REMINDER INVITATION!
PIMAFT 1ST FOUNDING ANNIVERSARY CELEBRATION
“Dakila ang Iyong Katapatan!” — Lamentations 3:22–23
Dear PIMAFT Ministers, Pastors, Leaders, Members, Partners, and Friends!
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat!
Bukas na po! Inaanyayahan po namin kayong lahat na makiisa sa pagdiriwang ng 1st Founding Anniversary ng Philippine Intersectoral Ministers Alliance Fellowship for Transformation (PIMAFT) Inc.
Sama-sama po nating pasalamatan ang ating Panginoon sa Kanyang walang hanggang katapatan, kabutihan, at awa sa atin bilang PIMAFT. Sa kabila ng ating mga hamon at pagsubok, patuloy tayong pinalalakas at ginagabayan ng Diyos upang maisakatuparan ang Kanyang layunin sa ating samahan.
Ang anniversary celebration na ito ay hindi lamang paggunita sa ating unang taon, kundi isang pagkakataon upang patatagin ang ating pagkakaisa, panibaguhin ang ating commitment, at ipagpatuloy ang ating mission at vision na baguhin ang Pilipinas sa pamamagitan ng moral at spiritual values.
DATE: October 29, 2026 (Thursday)
TIME: 4:30 PM – 10:00 PM
VENUE: Brgy. Rizal Covered Court, San Carlos City, Negros Occidental
Hinihikayat po namin ang bawat isa na dumalo at makibahagi sa espesyal na pagdiriwang na ito. Ang inyong presensya ay malaking pagpapala at pagpapahalaga sa ating sama-samang layunin para sa gawain ng Panginoon.
Tayo po ay magsama-sama sa pasasalamat, pananampalataya, at pagkakaisa! Patuloy nating ipagkatiwala sa Diyos ang kinabukasan ng PIMAFT at ang ating pangarap para sa isang transformed Philippines.
See you tomorrow! Huwag po kayong makalimot.
Together in Faith • United in Purpose • For a Transformed Philippines!
To God be all the glory!
For the official letter invitation and program, please click on the link below